Kanina sa Ticketnet outlet...
Tagalog naman ngayon para maiba naman (salamat kay Bob Ong... binabasa ko kanina yung isa sa mga librong nilathala niya).
Nakabili na ako ng ticket para makapakinig sa talumpati ni Al Gore sa Leadership Conference Series 3 na hatid ng SM Prime Holdings (Yehey!). Sa Ticketnet Outlet sa loob ng SM Makati ako nakabili. Bago ako bumili, kailangan muna syempre malaman kung may nabibili na nga ba...
Rochie: Nagbebenta na po ba ng ticket para sa "Al Gore Live in Manila"?
Tindera sa Ticketnet: Oo, mayroon nang ticket. Ito ang seat plan. (iniabot sa akin ang isang papel)
Rochie: Magkano po ang pinakamurang ticket? Ito pong bronze?
Tindera sa Ticketnet: P1,056 ang isang ticket sa bronze. P5,280 naman ang silver. Ang mahal naman ng platinum ticket, P15,840! Sino ba si Al Gore?
Rochie: Dati pong bise-presidente ng Amerika si Al Gore.
Tindera sa Ticketnet: May concert siya? Anong kinakanta niya?
Rochie: Naku, hindi po! May lecture po siya kaya siya pupunta sa Maynila; hindi po concert.
Oo nga naman, ang pamagat kasi ay "Al Gore Live in Manila". Kung hindi mo kilala si Al Gore, natural na aakalain mong concert ito. Parang "David Cook and David Archuleta Live in Manila" at "Kris Allen Live in Manila and Cebu" lang yan e.
Tindera sa Ticketnet: Pero paubos na ang ticket. May isa pang bakante sa harap. Gusto mong kunin?
Syempre, kinuha ko na. Front-seat ticket na mura lang. Nasa gilid nga lang ng lecture hall, pero pwede na... nasa loob pa rin. Sa wakas, matutupad din ang kagustuhan kong makapanood ng lecture ni Al Gore. Sa susunod, sana mapapunta naman nila sa Maynila si Steve Jobs, and CEO ng Apple.
wow! ayos! antayin ko na lang sa youtube... wala na palang ticket... teka sigurado nga bang lecture? baka kumanta yan ha.
ReplyDeletehahaha! oo nga no. baka kumakanta na pala si al gore ngayon. sige, ayos lang kung ganun. murang front seat ticket pa rin nakuha ko! check mo pa rin online kung may ticket pa. baka sakaling may bronze pa e. sayang, di ko naman alam na interesado ka.
ReplyDeleteRochie! Thanks for this. New info :) I wouldn't know he's here if it weren't for your post. Hehe. At oo, kilala ko naman si Al Gore kahit papaano :D
ReplyDeleteHi Sylvia! Nagtataka nga ako bakit hindi masyadong advertised yung lecture niya sa June. Pero kahit konti lang ang ads, halos fully booked na. Balak ko sana magpa-autograph pagkatapos ng lecture =)
ReplyDeleteNood ka na din! Baka may ticket pa sa TicketNet =) Wala sigurong front act, pero sigurado mahaba-habang forum pagkatapos ng talk niya.