Monday, December 30, 2013

cute na bata daw ako. (hahaha!)

Isang araw, makalipas ang Pasko, namasyal kami ng nanay ko sa isang mall. Dahil malamig, may suot akong makapal na jacket at botang panlamig. Sa kapal ng jacket, nagmukha siguro akong nagkakalad na marshmallow. At dahil nagkataon pang pink ang pantalon ko, nagmukha akong naglalakad na cotton candy! Kaya tuloy habang naglalakad kami, tinigil kami ng isang kapwa mamimili...

"Filipino rin kayo?", tanong niya.

"Oo, Filipino kami," sagot ng nanay ko.

"Sabi na nga ba!", sabi ng mamimili sa nanay ko. Pagtingin sa akin, aniya, "Ang cute cute naman ng batang ito!" sabay pisil sa braso kong balot ng makapal na jacket.

Paglayo ng mamimili, napatawa kami ng nanay ko dahil pang-ilang beses na ito na napagkamalan akong bata. Seryoso.

:D