sa pagdiriwang ng buwan ng wika
Ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang "Buwan ng Wika" tuwing Agosto. Ito ang isa sa mga pagkakataon taon-taon para maipagmalaki at mapayaman ang pambansang wika ng Pilipinas, ang Filipino. Kaya't bago matapos ang buwan na ito, naisip kong maiba naman at magsulat gamit ang pambansang wika. Magandang pagkakataon din ito upang isulat ang aking naiisip tungkol sa sanaysay na nilathala ni Ginoong James Soriano na lumabas sa Manila Bulletin kamakailan (makikita ito dito ). Ako man ay napatigil matapos mabasa ito; bagama't maganda ang paksa at ang panimula ng artikulo, hindi naging maingat ang manunulat sa pagpapahayag ng kanyang mensahe. Ayon sa kanyang sanaysay na pinamagatang Language, learning, identity, privilege , Ingles ang wika na kanyang kinamalayan, wika na kanyang kinasanayan sa paaralan, at wika na ginagamit sa trabaho. Dahil dito, Ingles ang kanyang tinuturing na inang wika. Sa kabilang dako, ang Filipino naman daw ang wika ng pagkakakilanlan. Ito ang wika...