Lola Bats story 7: Nagsawa akong sumakay ng eroplano.

Magkakasama kaming magpipinsan isang hapon at nagkukuwentuhang kutsero. Ang isa sa aming napag-usapan noon ay kung saan namin gustong makapunta na kailangang sumakay sa eroplano. Narinig ni Lola Bats ang aming kuwentuhan at nagpasyang umupo kasama namin. Noong mga panahon na iyon, kakaunti pa lang sa aming magpipinsan ang malimit na nakakaluwas sa ibang bansa.

Dahil may pagka-asbok si Lola Bats, ayaw niyang magpatalo. Kaya noong nagkaroon siya ng pagkakataong sumingit sa usapan, dumali siya ng:

Ala-eh! Ako'y nagsawa nang sumakay sa eroplano nung ako'y nasa Amerika pa. Nakarating ako sa Atlantic City at sa Washington, D. C. Kaya nung umuwi ako sa Pilipinas, sinabihan ko si Cesar na pasakayin ako sa tren. Ayun, nakarating ako sa Bicol.

Walang naka-imik sa aming magpipinsan! Pambihira, hindi pa kami tapos mag-aral noon, si Lola Bats jetsetter na!

Comments

Popular posts from this blog

10 things I learned while driving on Marcos Highway to Baguio City

How MALDI-TOF-MS makes mycobacterium diagnosis faster and more accurate

a crash course on traditional Filipino houses