Bakit parang wala kang kaibigan dito sa America?
Yan ang tanong sa akin ng mga magulang ko pag napapansin nilang may lakad ang mga kapatid ko kasama ang kanilang mga kabarkada. Si Biboy may mga kaibigang mahilig mag-capoeira. Si Anna naman may mga nakabarkada na na kapwa Pilipinong bagong salta sa California at mga ibang lahi na naging katrabaho o kaklase. E ako: Ang taong bahay na laging ang anak ang bitbit sa pasyalan. Ang aking mga kaibigan dito sa USA nasa Southern California o sa East Coast karamihan. Walang nakatira sa Bay Area. Kaya naman nung pumunta kami sa San Diego, sinigurado kong kausapin ang aking mga kaibigan sa Southern California upang malaman kung pwede kaming magkita. Dahil biglaan ang pagbyahe naming pamilya, dalawa sa tatlo kong kaibigan galing UPRHS ay nasa ibang lugar. Si Noah, nagkataon na walang lakad o pasok, kaya nakipagkita sa amin sa Chino. Nakakatuwa ang pagkikitang yun kasi ang tagal na naming di nagkita. Huli ata kaming nagkita ay 2019 pa; pareho kaming nasa Los Banos . Kaya ang kwentuhan namin a...